The Graduate and the Unemployed

Today is exactly a month after graduation and majority of us, if not all, are now and still part of the 11.3M unemployed Filipinos in accordance with the latest survey of the Social Weather Stations, commissioned by the BusinessWorld.

Your Thoughts Please?

A still photo by Yuri

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Tuesday, July 26, 2011

Smile!

Thank you for inspiring me every single day. :)

*All rights reserved. Photo-stealing is a crime.

Sunday, July 24, 2011

Isang araw

Meron bang taong kahit minsan sa buhay nya eh walang naisip nabuong pangarap sa buhay? Tipong ang eksena ay: paglaki ko gusto ko ganito, magkakaroon ako ng ganyan, etc. Siguro naman lahat meron diba? Sisimulan ko sa mga babae. Sabi nila ang pinaka pangarap daw ng mga babaeng normal (di normal yung iba e) ay ang ikasal sa harap ng altar, kung saan ihahatid sya ng kaniyang ama patungo sa lalakeng pakakasalan nya at syempre dapat mahal din nya. Parang panaginip diba? kahit naman mga lalake ganyan ang pangarap bukod na dun na sana maganda ang mapapangasawa nya. Parang telenobela diba? Ang sarap isipin. Pero syempre bago magyari ang araw na iyan dapat ay maghanda muna ng lubusan, buong puso, isip at kaluluwa. Sige pisikal na din pero mamaya na ang kadugtong neto. Magsisimula muna ako sa kung ano anong kalokohan na pagtyagaan nyo na lang basahin.

Mayroon akong isang karelasyon na iniwan ako dahil sa isang walang kwentang dahilan. Totoo, sa maniwala ka man o hindi walang kwenta talaga ang dahilan nya. Tinanong ko sya kung totoo bang minahal din nya ako, ang sagot nya oo pero kulang pa yun dahil di daw nya kayang tumbasan ang pagmamahal ko sa kanya. Ano daw? Di ko inakala na pwede pala magamit sa isang relasyon ang law of conservation o equivalent trade. Sige sadyang tanga lang siguro ako dahil pumayag naman ako dahil ano nga ba ang punto ng one sided na relasyon; wala naman diba? Pero bago kami tuluyang magkalayo sinabi ko na sana wag nyang alisin ang pagkakataon na maging kami ulit. Sabi nya oo. Pagtapos nun ay naghiwalay na kami ng landas. Iniwan ko ang lahat ng may kaugnayan sa aming dalawa, siguro dala na din ng masakit sa akin ang nangyari, pero pinangako ko sa sarili ko na balang araw magiging akin din sya bwahaha! Pinanghawakan ko ang sinabi nya na may pagkakataon pang maging kami ulit, nagsikap ako na mag aral at tinigilan ang mga bisyo. Inilayo ko ng lagpas isang taon ang sarili ko sa mga tao, nagaral ako para ipakita sa kanya na pag ako ang pinili nya wala syang pagsisisihan. Magtatapos ako at magkakaroon ng magandang trabaho para walang maging problema. Ilang taon na din ang lumipas gusto ko pag nagkita kami ulit magulat sya, yung madami akong maipagyayabang sa kanya. Yung tipong pag sinabi kong sana maging kami ulit ay di na sya makakatanggi. Gusto kong buhayin ang pagmamahal na sinasabi nya, kahit konti lang sisikapin ko yung palaguin. Tiniis ko ang ilang taon na iyong para sa isang araw na pinakahihintay ko.

Isang araw bigla kong nakausap ulit ang isa naming kaibigan, tinanong ako: kamusta kana? Sabi ko ok pa rin naman. Sabi ng kaibigan namin: may work ka na? Sabi ko oo dito sa Ayala. Sabi ulit nya: Kamusta luvlyf? Sabi ko ayun coke pa din naman, busy ako eh haha! Biglang bumanat ang kaibigan namin, 'tol buntis na si _____ Sabi ko naman hehehe.

PUTANG INA hindi ba? Oo, tama ihanda din ang pisikal pero di ibig sabihin nun eh buntis nang magpapakasal. Ang masaklap pa nyan ay sa dami ng mga duwag na lalake ngayon na di naman kayang akuin ang responsibilidad. Sigurado na ba syang paninindigan sya nun? Oo, putang ina talaga, tang ina nya, tang ina nung lalake, tang ina nilang lahat!! PUTANG INA!! Ako na ang tanga sa pagsasayang ng ilang taon ng paghihintay pero sila lang ang mga PUTANG INA!! Gusto kong sabihin to ng harapan sa kanya pero tingin ko di ko din magagawa. Wala eh, hopeless eh hindi ko naman gusto idamay pa ang walang muwang sa mga pangyayari. Sa ngayon di ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari pero wala naman na akong inaasahan pa, siguro ang magagawa ko na lang ay maghanap na ng iba. Pero bago yun, gusto ko munang makita yung ungas na lalaking yun. Isang sapak lang, kahit isang sapak lang!! PUTANG INA!!

Kumplikadong paniniwala

"Simple things should be simple, complex things should be possible."
-
Alan Kay

Eto ang mga unang salitang ipapabasa ko sa inyo, dahil masyadong kumplekado ang mga bagay bagay na inyong mababasa. Tama, kumplekado dahil ang mga sasabihin ko eh mga bagay na simple pero ginagawang kumplekado ang mga bagay bagay. Nagsisimula ito sa isang tanong: naniniwala ka ba sa Dyos?

Oo, ang Dyos na lubos na makapangyarihan, isang perpektong ang tawag ay Bathala, Panginoong dakila o di kaya ay Yaweh. Pero ano ba talaga ang tawag sa kanya? Ayon sa mga kwento ay nalalaman ng mga tao noon kung ano ang tunay na tawag o pangalan ng Dyos pero ang mga letrang naiwan na lamang ay ang YHVH. Ang mga susunod na mababasa nyo ay maaring sensitibo para sa inyong mga mata kaya kung isa kang taong relihiyoso kung maari ay wag ka ng tumuloy sa pagbabasa. PAALALA: Wag nyo akong bigyan ng lesson na tungkol dito na galing sa Biblia kung sakaling magpumilit ka pa.

Unang tanong ko lang, ilang ba talaga ang Dyos na to? Sabi nila meron daw Dyos anak, Dyos ama at Dyos Espiritu Santo (Amen). Mayroong tatlong persona ang Dyos? Kagaya ba sya ni Sensui ng Ghost Fighter? Sadya ba syang Schizophrenic? Kumplikado hindi ba? Sabi nga sa mga nabasa ko, anong klaseng Dyos ito? Binuntis ang isang babae para ipanganak sya? Makapangyarihan ang Dyos bakit kailangan pa nyang gawin iyon kung kaya nyang gawing possible ang impossible? Baka nagiipon din sya ng SP siguro kaya di pa sya makapag cast ng napakalakas nyang kapangyarihan. Okay sige bumalik tayo sa umpisa, ginawa ng tao ang lalake at babae at inilagay sa isang lugar na mayroong isang uri ng puno at sinabing wag nyong kainin ang bunga ng punong iyan kundi mamamatay kayo. Pero matapos kainin ng babae at lalake ang bunga hindi naman sila namatay, bagamat nagkaroon sila ng pagkakaintindi ng kung ano ang tama at mali at nawala ang pagiging ignorante. Teka ulitin natin, sabi mamatay sila pag kinain nila ang bunga pero bakit ganun ang nagyari? Akala ko perpekto sya? Hindi marunong mag sinungaling pero anong nagyari? Bakit sya maglalagay ng puno na iyon kung wala din naman sya plano ipakain ang bunga? Para mang akit? Parang sinabi na ang tatay mo eh nilagyan ka ng isang seksing PSP sa harapan mo para matukso ka.

Madami pa akong gustong ikwento pero humahaba na ang aking isinusulat kaya eto na, malapit ko nang tapusin. Siguro sasabihin nyo, me galit ata ako sa Dyos na ito, mahina ang pananalig ko at kung ano ano pa pero sasabihin ko na ngayon pa lang dati mataas ang pananalig ko sa Dyos na ito pero ngayon unti-unti, nawawala na ang aking pinanghahawakan at pinaniniwalaan. Minsan nga gusto ko nang hamunin ang Dyos na ito na: "Patunayan mo sa lahat na totoo ka pag di na ako nagising ibig sabihin totoo ka nga pabayaan mo na akong mag isa." Pero ang kinatatakot ko ay kung magising pa ako at malaman na lahat ng bagay na pinaniwalaan ko at pinaghawakan mula pa dati ay hindi naman pala totoo.

Tara, Sisihan Tayo!

Posted this a couple of months ago in my personal blog. Just to vent out my thoughts about this issue at hand.



Marahil ang buong bansa ay nagluksa kahapon sa pagbitay sa 3 nating kababayan na nasa China dahil sa krimen ng drug trafficking. Tila tumigil ang oras. Maikukumpara sa 1 mabagal na film slideshow ang mga pangyayari. Ang mga pinagdadasal natin kailan lang, wala na pala. Ganun naman kabilis ang pagkitil ng buhay.

Diba kataka-taka din na sa mga ganitong uri ng pangyayari ay mayroong nakikisimpatiya, at meron ding naninisi. 

Tama. SISI.


4 letters, 2 syllables. SISI. Mahirap ba ispelingin? Ewan ko sayong pilosopo ka.


Eto ang 1 perpektong halimbawa. Tanda nyu pa yung naganap na hostage crisis sa Quirino Grandstand? Ako, oo. Sa tila 1 malaking kapalpakan na naganap eh walang nagawa ang mga tao kundi manuro. Pinasa ang sisi sa mga tangang pulis, kay Lim na walang pakialam, kay Sec. Robredo na puro daw papogi, sa gobyerno(kasama na rin ang nakaraang administrasyon) dahil kulang daw sa equipment, sa media dahil USI daw, sa mga ekstrang sibilyan na nanonood mismo on the spot, sa kapatid ni Mendoza na pwedeng pang-FAMAS, si Mendoza mismo at lastly, kay PNoy, dahil matumal daw siya. Sisihin nyu na din pati ang bus kaya? Ba’t kasi may bus pa at ganun na lang ang hitsura nya kaya mahirap pasukin? Sisihin nyu na rin pati magulang nya kasi pinanganak pa siya.




Eh, ano pa nga ba? It’s a part of human psychology, and probably our culture as well. Actually, there are diff. categories of blame, pero di ko na ididiscuss yon. Di natatapos ang 1 pangyayari hangga’t wala tayong nasisisi dito, na para bang wala kang parte sa naganap.


Mas malala naman kung wala talaga at echoserang frog ka lang, sabi nga ni Tricia Santos.



Mabalik tayo sa naganap kahapon. Dahil wala na akong narinig sa TV kundi ang mga militanteng galit sa gobyerno at mga naninising kamag-anak ng mga namatay pati na din ang mga ekstrang viewers, PWES ITODO NA NATIN ANG PANGSISISI.


Sisihin na natin unang una ang kahirapan. Punyeta kasing poverty yan kaya maraming desperadong sumusuong maging sa harap ng kamatayan at kasalanan may mapakain lang sa pamilya. Sisihin na din natin ang bulok na sistema ng lipunan natin. Kaya tuloy may mahirap at mayaman. Sisihin na din natin ang mga mayayaman na nagpapasarap sa ekspensa ng mga salat sa salapi, habang pinagyayabang ang kanilang bagong sports car sa subdivision. Sisihin din natin na wala sa realidad sina Superman, Batman, Masked Rider, Power Rangers at kung sino pang superhero. Isipin mo din, nakakatakot din naman kung totoo sila. Kasi araw2 kang tatakbo kung saan dahil may mga robot na naglalaban sa bayan mo. Diba?


Sisihin na din natin ang mga sindikatong yan na walang halang sa paggamit ng iba matugunan lang ang sariling interes. Isama na din natin ang pulisya, ang DOJ, pati na din ang DFA. Matutumal daw sila eh kaya di nahuhuli ang mga damuhong ito na naglalaro sa emosyon ng mga salat. Minsan pa nga eh sila pa ang kapit sa matatag. Ungas noh?


Ano, masaya ka na? Hindi pa? Kung ganun lang, ITODO PA NATIN ANG PANGSISISI!!


Sisihin na natin ang media, kasi masyado nilang ginagawang sensational ang lahat kahit ang pinaka-seryosong isyu sa mundo. Isama na din natin ang mga viewers. Kundi dahil sa kanila, siguro wala itong mga TV networks na to. Sisihin na rin natin ang Tsina sa kanilang batas. Putang ina kasing mga batas yan eh. Si PNoy din idamay na natin. Matumal kasi yung panot na yan. And lastly, nandyan ang DRUGS. Sino ba kasi nakaisip na imbentuhin ang mga illegal na droga na yan at kaadikan ng karamihan? Fuck diba?


Oh, ano? Kuntento ka na ba tol?


The buck ends here…



Isa itong linya na pinasikat ni dating US President Harry Truman. Pinaparating nya dito na sa halip na magbuntong ng sisi eh panagutan ang mga kaganapan at matuto mula dito.


Nuff’ of the blame game pal.


Eto lang ang bottomline: Kung hindi tayo titigil sa punyetang pang-sisisi na yan at kikilos tayo upang bumangon at matuto sa mga aral ng nakalipas, hindi tayo uunlad. Sana nga mangyari ito. Sana. Magising nawa tayo Pilipinas.


Kung hindi at nababaliw ka na sa paghahanap ng masisisi, sisihin mo na ang Diyos. Malas mo kung nabadtrip siya at gunawin nya ang mundong ginagalawan mo.


DoTA na lang oh?

Your Thoughts Please?

There's not a dull day for creativity. Never lose inspiration!

*
Photo by: Yuri Mangahas. All rights reserved.

Of Criticisms

When I was studying at my fifth grade, several of us were chosen to undergo this literacy program specifically with reading. No, it's not that we were not doing well at class, but we needed improvement specially in our English comprehension. Most of us were Asians in the said program. I guess the said program aided me a lot molding me to the person I am now in the forte of comprehension but this will not be about the over-all program but one story that I have read during the sessions there. I forgot about the book title but remembered the story well.

The plot was all about these group of men and women in doing a certain book or research of sort at a university that was also due in the next month to come. In each day that came, each member from the respective groups gave their part of the research. With the group of men, they did a lot of work as each day came but quarreled often with certain flaws of the submitted works from their members leading to a handful of revisions. On the other hand with the ladies, alike with the first, there were also flaws in the research but the only difference is that they took the time to always attend such criticisms with a suggestion on how to improve their work. With the deadline approaching, the group of women's research was already ready for presentation whilst the men's where still under heavy revisions. When the deadline came, the work of the ladies were submitted and was honored as part of the university research program and the one done by the group of gentlemen, I guess you know what happened.

I guess you know what I want to point out? In my years of being a student, I have always encountered people who would talk non-stop of the flaws they see in certain things and when I ask them of possible solutions, they would pause for a moment and change the topic while majority would not post a certain suggestion after it which really is infuriating. You can give a paragraph of criticism but cannot elaborate a sentence worth of suggestion?

Now, here's my suggestion: be constructive in your criticisms. To wrap this up, let me quote a few words related to Abraham Lincoln:
“If you have no will to change it, you have no right to criticize it.”

Science And Faith

Patterned the title after The Script's latest single. Thought it'll be appropriate to say the least.

In The Beginning Was The Word,

And The Word Was With God,

And The Word Was God.

- John 1:1


It’s been a while since I posted something wortwhile of my attention. Most of my recent posts were purely life-supports meant to aid my near-obsolete blog. See, I’ve lost a great deal of drive to write my mind out, not unlike before when each idea came springing off my head like a storm. To aptly put it, I simply lost interest in expressing myself.

That is, until my wavemate Lyn challenged me to read the Bible Verse above.

To be frank, I’ve never really gotten a true picture of what and who truly God is, and if He really does exist back in the day. I believe the same goes for a large percent of society.

Two things: Either you believe God because the norms push us to do so or you simply trust the idea for whatsoever reason aside from the former.

Years back, I held the idea of God because the standards dictated it. I was a faithful catholic by the book like anyone else was back then. I rigorously attended masses and church activities, joined a couple of choirs, participated in conventions and a lot more. All because of keeping true to the book.

However, as time passed by I started doubting the catholic dogma. I’ve crossed a lot of paths, met a lot of people and opened my mind to other opinions. Since then I developed a diff. sense of beliefs apart from my religion and formulated my own morals in life. However, I kept on clinging to the Bible. The scriptures are the only ones left with the dogma I believed in before.

Do not force your beliefs unto someone. - Lyle Dylandy

FACT: Religion is diff. than faith. They are two things never meant to coexist with one another as a composite whole.

However, I haven’t really found the answer I was looking for. Or perhaps I already did but never noticed it.

That was back then.

A lot of events occurred during my last semester at school. Most of them tested my will as a person, and I failed big time. So I revisited myself and asked this question:

WHAT THE HELL’S HAPPENING WITH ME?

I immersed myself in moments of deep reflection, with the scriptures as my buddy. I recounted the time lost, the days gone by and the opportunities that slipped over me. I realized that perhaps I lost sight of my path and how it should be. I’ve completely forgotten what it’s like holding on to something as your guiding torch. Something that defines your principle in life.

And now it finally became clear to me. Who God really is for me.

Now, going back to the verse that Lyn asked me to read. I never really gave her a concrete answer as to what my beliefs are with God but given she’ll ask me again, I’ll reply with this:

He is something more than words. He is not a mere physical being that manifests through material things nor someone forced unto people by society’s norms.

He is the Wisdom that guides us to the future, the true collective that serves as the source of our aspirations, our memories, LIFE.

He is someone that we cannot just explain by plain articles. He is the one that defines who we are, and what we’ll become in the days to come.

Lemme throw this question: Who is God for you?

Tuesday, June 28, 2011

The Graduate and the Unemployed

 (taken from http://www.sws.org.ph/pr20110525.htm)
Today is exactly a month after graduation and majority of us, if not all, are now and still part of the 11.3M unemployed Filipinos in accordance with the latest survey of the Social Weather Stations, commissioned by the BusinessWorld. But first, what is an unemployment rate? According to Social Weather Stations, "the new official definition has included the concept of availability for work; it subtracts those not available for work, even though looking for work, and adds those available for work but not seeking work for the following reasons: tired/believe no work is available, awaiting results of a job application, temporarily ill/disabled, bad weather, and waiting for rehire/job recall." That is still high according to comments of economists in the country one of whom is UP economist Raul Fabella and was quoted as saying that the unemployment rate will rise in June as college students who graduated end of March normally do not immediately get work. And yes, he predicted that right.

Several people may have been giving out their inquiries on what are we doing as newly-graduates and what are the ways we ought to do as to not be part of the booming statistic of the unemployed here in the country. Several of my friends have been going to job fairs, submitting their resumé and patiently waiting for a possible interview and examination from the companies. It may be easy for someone who already has a work to say just keep on applying until one calls for a certain interview but with the competition out in the market, it would really mean competition. I would like to recommend a post by Sean Gregory of TIME.com with his article entitled New Rules For the Job Interview. It may give additional information on the already to-do list we already have when it comes to such concerns.


Going back to the competition, a study by Rutgers University showed that college graduates are having a hard time finding a suitable job and those who may have one are being paid less than what skill they can offer. The said study maybe of a foreign setting but considering that it is still correlated with college graduates trying to find a suitable job still has relevance with what we are experiencing now. According to a survey conducted by Manpower, they said that the problem is within the education system that is leading future job candidates into wrong professions that the industry nowadays really need and I quote, the global skills shortage is worsening, with more than one-third of companies reporting difficulties filling positions because of a lack of talent – the highest level in four years. . .


In the local setting, we can see that there are not enough jobs to fill-in the unemployed. If there were job openings, it usually leads to underemployment in the future due to lack of industry growth, few job openings and a bunch of people out in the competition for job availability. Fresh graduates like us can't be choosy with the work to apply for as long as it will compensate our daily financial costs, it would be a suitable job now that everyone is up for a competition. It's always up to you on how you'll sell yourselves during interviews.


ManpowerGroup president Jonas Prising says that for college graduates, the main problem isn't that they don't have skills; it's that they have the wrong ones. Furthermore, he also iterated that, "Liberal arts skills are in over-supply, and that's an education issue. Being a college graduate doesn't mean you're work-ready."


Whoever is to blame with the unemployment issue, we are the only ones who will be able to help ourselves in finding a job that will compensate as well with the skills we have to offer. To my friends who are still job hunters, ask yourselves what do you really want to get in a job. Is it the salary or the experience? In my opinion, you should go for the latter which is experience. When you have experience after six months or a year, you can start your demands and everything follows. Regarding the job offerings out there, do not be so choosy as the competition is high but the market offers few jobs that makes an offset for us fresh graduates. Just be yourself, be marketable and show them how you can be an asset to your preferred company.

Monday, May 23, 2011

Post-Graduation Message

A super post-graduation message. A translation in English is to be carried in the near future when the author's idleness wearies.  DO NOT DELAY.




April 28, 2011. Araw na pinakahihintay naming mga estudyante - graduation. Araw kung saan matatapos na ang paggawa ng mga projects na kinabukasan ang pasahan, cramming mastery pagdating sa mga final examinations at syempre, ang pagtatapos ng buhay estudyate at pagpasok sa mundo ng mga unemployed. Pati rin pala ang mga magulang namin ay masaya sa kadahilanan na nakapagtapos sila ng kanilang anak at syempre, menos gastos na dahil wala na silang babayarang matrikula sa pasukan.


Ang graduation message na ito ay iniaalay ko sa mga ordinaryong estudyante na nagsipagtapos sa abot ng kanilang makakaya. Sa mga nakaranas na makakuha ng tres at singko, sa mga tumigil dahil sa kakulangang pinansyal at sa mga tao na kailangan pang sumali sa co-curricular activities sa school para sa scholarship o di kaya magtrabaho para maipagpatuloy ang pag-aaral pero kasama ko nung April 28, 2011 sa Philippine International Convention Center at nagsitapos din. Gaya nyo ay marami din akong pinagdaanang hirap at muntikan na rin na di maka-graduate sa takdang oras pero may mga taong sadyang may likas na kabutihan kahit na kailan pa lang nila kayo nakilala. Anyway, saludo ho ako sa inyo at sa determinasyon nyong makatapos.


Sino nga ba ang dapat pinagsasalita sa mga commencement rites? Yung taong nakamit ang pinakamataas na grado sa apat na taon nyang pag-aaral o yung tao na dinaanan ang totoong hirap ng buhay estudyante pero gumradweyt dahil sa sikap at determinasyon? Para sa akin, doon ako sa huling nabanggit. Bakit nga ba sila ang ninais kong magsalita sa harap ng maraming estudyante e nakakuha na sila ng singko sa ibang subjects, mga pasang-awang grado at kung ano pa? Simple lang, naranasan nila ang hirap na dinanas ng karamihan sa makikinig sa kanila. Ngunit di ko naman inaalisan ng karapatan na magsalita ang taong nabansagang pinakamatalino sa batch na yun. Karapatan nya yun pero karapatan din ng ordinaryong estudyante yun. Mas pinili ko lang ang isang ordinaryong estudyante dahil sa mas makaka-relate ang mga estudyante na nakaupo sa loob ng silid na yun. Pero walang ganun sa tunay na mundo at kung meron man ay piling-pili lang. Mas laging pansin ang mga nakatataas sa iba. Iba na ang matangkad. Growee lang naman ang katapat o siguro alagang Bear Brand sila.


Sino naman ba ang mga dapat pasalamatan? Para sa akin, ang unang dapat pasalamatan ay ang mga magulang natin na nagtaguyod sa ating pag-aaral. May ilang porsyento sa atin na nasa ibang bansa ang mga magulang para magtrabaho, para may maipangtustos sa atin pagdating ng pasukan. Pangalawa ay mga piling professor na bukod sa naging educational medium ay naging pangalawang gabay natin sa buhay sa di lang mga pang-eskwelang suliranin. Saktong sampu ang mga professor ko na iniidolo pagdating sa kanilang propesyon. Hindi lang sila tumayo bilang mga tao na binabayaran kada-oras para magturo pero sila yung tipo na di ka talaga lalabas ng classroom na wala kang natututunan sa akademya at sa buhay. Sana mas dumami pa ang mga gaya nila. At ang huli ay ang mga tunay na kaibigan. Kailan ko pa bang palawakin kung bakit?


Marami pang pedeng banggitin, marami pang pedeng isalaysay, marami pa ding pedeng pasalamatan. Gaya na lang siguro nung isang professor ko tuwing Sabado na bilang lang sa limang daliri kung ilang beses pumasok ng klase sa buong semestre dahil sa mga personal na kadahilanan. Doon ako na-trauma at first and last ko na na Saturday class yun. Sige, ikaw nga mag-review ng lecture na kaka-upload lang nung hatinggabi at kinaumagahan na ang chapter quiz na wala man lang abiso? Di ka ba matataranta nun? Ilang beses pang naulit yun. Ewan ko kung binigyan pa rin sya ng subject load sa kolehiyo namin. Pero magpapasalamat pa rin ako ng dahil sa kanya ay na-enhance ang cramming mastery ko. Natuto akong mag-check ng Student's Portal kahit walang sinasabi ang professor. Malay mo, nag-e-exist din ang mga gaya nya sa regular classes (pero salamat at wala naman akong nakita).


Pero ito seryoso na, sa buhay kolehiyo, marami kang makakasalamuha. Pumili ka ng mga matino at totoong taong miski professor, kapwa estudyante o di kaya yung si ate/kuya na laging mong nakikita na pakikisamahan mo. Maaaring hindi lahat ng iyong nakikita ay totoo, maaaring kabaligtaran. Walang maling desisyon basta kaya mo itong panindigan. Pwede kang maniwala, pwede kang magpalason sa impluwensya ng iba pero sa bandang huli, may sarili kang utak at konsensya - hawak mo pa rin ang desisyon na magpapatakbo sa buhay mo at sa kung ano ang magiging resulta nito.

Saturday, April 23, 2011

EDSA Sesenta Nueve

Ilang EDSA revolution ba ang gusto ng mga Pilipino? Hanggang sesenta nueve ba? Kapag napatalsik nyo ang binoto niyong presidente, sino ang ipapalit nyo? Tatanggalin nyo rin ba sya kapag ayaw nyo ang pamamalakad nya gaya ng nauna? [ How many EDSA revolution does the Filipino people want? Up to 69? If ever you successfully impeached the president that you have voted, who will you choose to take his position? If ever you are not satisfied with the system of the newly-seated one, will you do the same to him like the first? ]

Yan ang tanong ko sa bawat Pilipino na sumasali sa mga rally, nakikisaling-pusa at sa mga tambay na walang magawa kung kaya't nakiki-rally din sila. Ano nga ba ang nakukuha nyo pagtapos maging matagumpay ang layunin niyo bukod sa pagod at gutom? Ano ba ang magadang dulot nito sa bansa bukod sa pagiging bakante ang upuan ng Malacañang?

Naging parte na nga ng sistema natinng mga Pilipino na kapag ayaw natin sa isang pinuno ay dinadaan natin sa lakas ng masa. Nakita din natin ito sa administrasyon ni Pangulong Arroyo kung saan kabi-kabilang rallies ang naganap para siya'y mapatalsik ngunit sa bandang huli, na kay Pangulong Arroyo pa rin ang huling halakhak at magagawa nya pa ring tapusin ang kanyang termino. At least, may natupad sya sa mga sinabi nya sa huling State of the Nation Address noong 2009 and I quote:
"At the end of this speech I shall step down from this stage, but not from the Presidency. My term does not end until next year. Until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as Head of State—to the very last day."
May narinig nga ako sa balita dati, tinanong ang isang ralihista kung para saan daw ba ang rally na sinalihan nya at ang sagot - hindi daw nya alam basta nandun daw sya para sa kanyang personal na rason. Lahat na siguro ng susunod pang mga EDSA revolution ay pawang trip na lang. Lahat ng kasali ay may personal na intensyon o di kaya'y gusto lang nila makisali dahil nandun ang mga barkada nila.

Sa huli, kakainin lang tayo ng realidad na wala ng makakagawa ng isa pang tunay na People Power na pinamunuan ni dating Pangulong Corazon Aquino. Yun lang ang tanging maisusulat sa kasaysayan at hahangaan ng iba. Kung meron mang sumulpot na gaya nya at mamumuno ng walang takot, siguro sa EDSA Sesenta Nueve pa.

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites